Monday, April 07, 2008

Umagang Walang Pamagat

I.

bakit bigla na lang kitang namiss?
wala tayong ugnayan.
di tayo magkakilala.
suplada ako.
mas suplado ka.
magkatulad tayo sa
maraming bagay
na ayaw kong isipin.
sabi ko tama na,
di na kasi puwede.
pero bahala na si batman.
total patay na naman si joker,
baka mapagbigyan mo ako.

II.

bakit ngayon,
puro pagpaparamdam ang
ginagawa mo?
di ba suplado ka?
di ba sabi mo di ko tinanggap
imbitasyon mo?
bakit ngayon,
panay ikot mo sa tabi ko?
bakit panay ang tingin mo
sa mga mata ko?
bakit ang lakas ng boses mo?
pakihinaan mo kasi ang radyo mo
para magkarinigan tayo.
please lang.
one time lang.

3 comments:

Toni said...

oooooh lovely. :)

{illyria} said...

i always did love that metaphor, "bahala na si batman." ;)

jey-aiy said...

toni: thankies! ;)

{i}: sounds dangerously beautiful, right?